PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Monday, January 23, 2006

Christmas Break 1.0.

Bonaks1 reporting...

Sa totoo lang, meron din akong natutunan noong Christmas Break. Karamihan dito ay hindi masaya pero mas maganda na rin siguro na alam ko na ganitong oras. Pero, grabe...teenager palang ako e meron na akong ganitong problema?!?!?! NANDE-DATTEBAYO!?!?!?!?!

1. Mas malamig sa probinsya kaysa sa Maynila. [ang daya]

2. Mas matangkad na nga ang bunso kaysa sa akin. [hindi maaariiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!!!]

3. Kailangan na ngang ma-operahan 'tong sakit na 'to... [iniiwasan ko pa naman sana...]

4. Stage 3 na daw ang depression ko. [mas nalungkot tuloy ako.]

5. Malaki ang posibilidad na ma-atake ako ng hyper-tension. [ulit]

6. Addict daw ako sa Naruto?!?!?!?! [Gago, bakit ba kung kompleto ko lahat ng episode tsaka soundtrack? Inggit ka?]

7. Mas gusto ko si Kakashi kaysa kay Gaara. [Pero gusto ko parin si Gaara.]

8. Madali lang pala ipintura ang Sharingan.

9. Meron akong nai-develop na training scheme ko na mas mahirap kaysa doon sa una.

10. Mas gusto ng kuya ko ang Konoha forehead-protector kaysa doon sa rinegalo kong MAHAL. [huhuhu]

11. Tonong matanda nga talaga kapag nagsasalita ako. Kadalasan mas matanda pa akong pakinggan kaysa sa lola ko.

12. Addict nga siguro ako sa Naruto. [blech]

13. Kaya kong pumutol ng ivory chopstick gamit lang isang kamay. [oo na, hindi kahanga-hanga]

14. Mukha daw akong asyana[korean-jap-chinese daw?!?!]?!?!?!?! [San niyo nakuha yun?!? Di nga ako singkit e!]

15. Mahilig nga talaga ako sa maluwag na pantalon.

16. Karamihan sa mga lalake takot sa akin. [ito ata yung pinaka maganda na natutunan ko e.]




P. S. Hindi...hindi maaari...hindi...hindi naman siguro ako addict sa Naruto no...? Ah basta...hindi...hindi pwedeng mangyari yun...

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Hehehehe
1. ganyan talaga. magpasalamat ka hindi ka sa baguio nagaaral.
2. bakit, inggit ka? hehehehe
3. no comment.
4. lagi ka namang depressed e. kasalanan mo rin yan!
5. {pareho sa #3}
6. nakalimutan mo pa yung sangkatutak mong wallpaper tsaka comics! a, yung forehead protector pa pala!
7. {buntung-hininga sabay kamot sa ulo}
8. {pareho sa #7}
9. pagmabali-bali buto mo a wag mo akong sisisihin.
10. magkapatid nga kayo. hehehe
11. obaasan!!! {sabi na nga ba e}
12. kulit mo.
13. wah! mahal yun no! bat mo pinutol!?!
14. wag mo na kasing suotin yung pantalon na yun! mukha kang samurai na ewan hehehe
15. {pareho sa #12}
16. {pareho sa #3 & 5}



-wag kang mapikon obaa baka ma-hyper ka. hehehehehe

9:20 PM  
Blogger mr_diaz said...

okay... nalilito ako sa inyong dalawa. si bonaks1 ba yung female of the species? o si bonaks2. pasensya na slow lang talaga ako lalo na sa math. hehehehe

1:37 PM  
Anonymous Anonymous said...

Bonaks naman oo...

11:27 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home