'Di ko gets.
Ang gulo talaga ng mga utak ng mga nilalang sa mundo ngayon noong naging "cool"ang pagiging kakaiba/weird. Sa katunayan, nagmumukha na ngang tanga ang maraming tao e dahil nais nilang magmukhang kakaiba. Hindi ko talagang lubos maintindihan. Ako'y sadyang nalilito.
Una sa lahat: Bakit maraming mga kalalakihan ang nagsusuot ng sun glasses kung gabi naman? Kung umaga sana o hapon, maiintindihan ko pa, pero ano ang saysay ng sun glasses kung sa dilim mo gagamitin? Hindi ba kayong nagmumukhang tanga doon? Hindi ko talaga gets.
Pangalawa: Bakit pa nagbloblog ang mga tao kung ayaw nilang may nagbabasa? Hindi ba nila alam na ang blog ay maikling anyo lamang ng web log? Para tuloy kayong mga engot jan na nagpapaalis ng mga tao dumadaan sa inyong sapot-pahina. Dapat ay tanggalin niyo na lamang sa internet kung ganoon para talagang walang makakabasa. Kung para sa kaibigan niyo na rin lang, ipadala na lang gamit ang e-mail, diba? Ang gulo niyo talaga.
Pangatlo: Bakit nagfrefriendster kayo e ayaw niyo naman pala makakilala ng bagong mga tao? Mga bobo! [hahaha biro lang.]
Pang-apat: Bakit ang daming na-aaliw sa DotA na mga kalalakihan?! Hindi naman ganun kaganda iyon ha. Mayroon na ngang mga babae [mga nobya ng mga manlalaro]na nagplaplanong mag-umpisa ng isang organisasyong tinatawag na Girlfriends against DotA kasi mga adik na kayo eh. Hindi, tama lang iyan. Sa paraang iyon, mananalo ang mga peminista at wala na ang mga sweetie niyo. Bwahahahaha. [Go feminista!]
Panlima: Bakit ang daming mga babaeng nagpapa-cheap sa pamamagitan ng pagsasalita ng konyo[yung making-making na wikang yan]? Nagmumukha tuloy silang tanga kasi wala silang respeto sa gramatika.
Pang-anim: Bakit ang daming kinikilabutan sa Corpse Bride tsaka sa The Nightmare Before Christmas?!?!?! Hindi kaya sila nakakatakot. Cute nga si Jack Skellington e. Mga katok.
Pang-pito: Bakit nagbabago ang ugali ng tao kapag nasa isang relasyon na sila? Mas nagiging weird sila tapos nawawala na yung dati mong kilalang kaibigan. [Hindi, Riane, pareho ka parin. Masakit ka pa rin mangurot.]
Pang-walo: Bakit wala pang nagpapadala sa akin ng hate mail?! Noong hayskul, maaga palang e ang dami ko nang "fan letters" pakiramdam ko tuloy masyado na akong nagpakabait. O baka naman lahat lang tayo ay may sungay at hindi niyo nahahalata ang mga kalokohan ko.
Pang-siyam: Bakit ang weird ng pakiramdam kapag ang tagal mo nang hindi nagbabasa o naglalaro ng mga computer games? Pakiramdam ko tuloy tumanda ako ng sampung taon. Kung gayon, malapit na akong magtrenta!
Pangsampu: Bakit ang tawag ng mga matatanda sa retainers e pustiso? Baka nais nilang ipalabas na may kasama silang nagsusuot ng plastik o bakal sa loob ng kanilang bibig.
Hindi ko talagang lubos maintindihan. Ang weird niyong lahat. Bakit 'di niyo ako gayahin? Normal ako.
P. S. Huwag kang mapikon kundi mas aasarin pa kita. Weirdo. [hahahaha biro lang.]
Kasalukuyang nararamdaman: Bonaks.

2 Comments:
susubukan kong sagutin sa abot ng aking makakaya.
1. Nagpapacute ng wala sa lugar. O di kaya kirat katulad ni randy santiago
2. Baka katulad ko rin sila, nagpapraktis lang mag type
3. Kasi bobo sila
4. Mahilig kasing magpalakihan ng bayag ang mga lalaki. +15strength +10Agility searing arrows hahahha
5. Because you know...
6. naaalala lang nila ang ex nila
7. tanungin mo si florante. hahamakin lahat masunod ka lamang.
8. eh asan ba ang email mo !$@!$#%^@#% na man o!
9. haaay... parehas lang tayo. +5 intelligence blades of attack + 9 damage
10. no comment
punapangalawa sa nagrereklamo!!!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home