PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Tuesday, January 17, 2006

Huh...?

Feedback daw. Magulo dawng basahin ang mga pinagsusulat namin dahilan sa paglalagay namin ng {} at []. Malamang totoo nga. Pero ako hindi naduduling ang apat kong mata. Hayaan nalang...pagbigyan...sa bagay, mali rin siguro ang sistemang ginawa ko e. Naiiba tuloy ang ibang mga salita sa artikulo ko dahil sa mga pag-aakma ng mokong na partner ko. Hmmmm...sige...pagbibigyan ko kayo...

Sa totoo lang, wala akong maisip na isulat ngayon dahilan ng sobrang sakit ng ulo ko[tulad kahapon] , pero hindi ko maaasahan ang partner ko na magsulat ngayon dahil, tulad nga ng sabi ko, mayroon siyang konting diperensiya. Ngunit hindi na importante 'yun. Balak kong sundan ang iskedyul ko. Ganito pala talaga ang blog. Kapag tumatagal, medyo nakakapagod; ngunit ito'y payo sa akin ng duktor para daw gumaling ako kaagad. Kung anumang sakit iyon, sa susunod ko na sasabihin.

Napansin ko lang, walang kababalaghang nangyayari ngayon. Wala pang nagpapasabog ng mga gusali o kaya man lang ay dumakip ng mga importanteng pulitiko. Malamang nagpapahinga si Bush kaya walang gulo sa ngayon. O siguro'y may iniisip pa siyang ibang mas nakatatawag pansin tulad ng pagdakip kay Angelina Jolie o kung sinumang sikat na artista. O kaya naman ay wala na siyang maisahod sa mga terorista niya. Hmmmm...

Kagabi wala akong ginawa kundi manuod ng Naruto[mga luma] at tumitig sa dingding. Kagulat-gulat mang isipin, walang pumasok sa makitid kong utak. Malamang simbulo na ito ng aking pagtanda. Siguro'y masyado na akong maraming nakain na pagkaing may sangkatutak na carcinogens. Siguro nawawala na ang bisa ng aking therapy. Siguro masyado akong nagshashampoo. O siguro ang dahilan ay ang paghiling ni mama na pag-aralan ko ang wikang hapon.

Ah basta, ayaw ko pa rin kay Jose Rizal.


P. S. Malapit na ang bagong taon ng mga Tsino. Labin-dalawang araw nalang.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

talaga naman...ang partner kong ito.

kahit kelan hindi talaga nagbabago ang image mo. magulo talaga utak mo. hehehehehehe

hindi ko na papalitan yung isang post kasi marami naman nang nakabasa. wala rin kung papalitan ko pa.

oi! naruto ko!!! peram!!!

5:39 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home