Plato.
Kung inaakala ninyo na ito’y tungkol sa isang griyegong pilosopo, nagkakamali kayo. Ang post na ito ay dahilan sa isang tanong na ibinato sa akin ni Bonaks 1 kamakailan lamang.
Alam kong hindi ninyo alam na isang environmentalist ang baliw na kasamahan ko sa Bonaks™. Simple lang naman ang tanong niya, kung tutuosin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kinakailangan niya pang itanong.
Ano daw ba ang pinaka-mainam na gamitin kapag kakain upang makabawas sa polusyon at sobrang pamumutol ng mga puno?
a) Styrofoam.
b) Paper plates.
c) Ceramic plates. {na huhugasan}
Siyempre, lahat ng mga ito’y mayroong advantages at disadvantages. Unahin natin sa Styrofoam.
Advantage/s:
1) Hindi na kailangan pang maghugas.
Disadvantage/s:
1) Ang paggawa nito ay nangangailangan ng pagbubuga ng mga nakakalasong usok.
2) Gayundin kapag irerecycle ito.
Ngayon naman, sa paper plates.
Advantage/s:
1) Katulad ng nakasulat sa Styrofoam.
2) Biodegradable ito. {Ibig-sabihin, nabubulok}
Disadvantage/s:
1) Kailangang magputol ng pagkaramiraming puno para lang sa paggawa nito.
2) Mahina.
At siyempre, ang ceramic plate.
Advantage/s:
1) Maganda ang tunog laban sa kustara.
2) Magagamit pang muli.
Disadvantage/s:
1) Sayang sa tubig.
2) Kailangang hugasan.
3) Madaling mabasag.
Solusyon: Dapat kasi ay huwag nang mag-inarte at kumain na lamang ng diretso sa kawali o kaserola. Palibhasa, kayong mga babae e laging napapansin yang etiquette na yan kahit na mag-isa lang kayong kumain. Maawa naman kayo sa kalikasan at sa amin na nakakasama niyo minsan sa mesa!
P. S. Ano? Totoo naman a!
Kasalukuyang nararamdaman: Natatawa
.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home