PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Tuesday, October 11, 2005

Pangalan ko.

Bakit ayaw kong malaman ng buong mundo ang tunay na pangalan ng may-akda ng Bonaks™? Maraming dahilan. Ngunit para makuha niyo ang mensahe, magbibigay ako ng ilan.
  1. Ayaw ko.
  2. Iniidolo ko si Batman.
  3. Sayang ang pekeng Death certificate na ginawa ko.
  4. Marami akong kaaway sa totoong buhay.
  5. May mga gustong dumakip sa akin.
  6. Baka pati kayo ay masangkot sa gulo.
  7. Tinataguan ko sila.
  8. Sayang lang ang pagtakas ko sa asylum.
  9. Hindi lang iisa ang nagsusulat sa Bonaks™.

Yan lang ang mga rason ko para sa ngayon. Sana'y sapat na iyan para mainindihan niyo.


P. S. May sakit ako ngayon. Hindi ko alam kung kailan ako gagaling ngunit mukhang lalala pa ito. Titignan ko kung kaya ko pang ituloy ang
Bonaks™...kapag hindi ko magawa, paumanhin.


Kasalukuyang nararamdaman: Sakit sa lalamunan **.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home