Mi Ultimo Adios.
Oo, ito na nga ang inyong hinihintay: ang aking pamamaalam. Masaya mang isipin at mukhang maguumpisa na ang inyong pagdiriwang, nais ko munang magbigay ng talumpati. Maaari kayong umalis ngayon o kahit sa gitna pa lamang ng tekstong ito; wala akong pakialam. Para sa gustong magpatuloy sa pagbabasa, walang pumipigil sa inyo.
Sa linggong ito, nakita niyo naman na puro nalang sakit ng lalamunan o hilo at kung anu-ano pa ang nasa "Kasalukuyang nararamdaman" ko. Oo, tama kayo, mayroon nga akong sakit. Malamang hindi halata pero ito ang dahilan ng aking biglaang pamamaalam.
Sandali! Hindi pa ako tapos!!!
Ehm...gusto ko lang sabihin na sa kakaunting oras na nagkaroon tayo ng ugnayan bilang mga manunulat at mambabasa, nais ko lang sabihin na kami'y lubusang nasiyahan. Kahit na walang nangongomento, kahit na mayroong mga nangongomento na wala namang kinalaman sa sinulat namin, kahit na nangongomento lang dahil nais mag-advertise ng kanilang blog o kumpanya, kahit na inabuso ng iba ang aming cbox, kahit na sinabihan kaming vogue imbes na vague, kahit na hindi napasaakin ang tutang aking inaasam-asam, kahit na patuloy pang namumugto ang aking mga mata sa pagpipilit ko ng lintik na contact lens na yan, kahit na maraming nanggulo sa akin sa YM dahil mali-mali ang mga pinagsusulat kong mga profiles niyo, kahit na patuloy pa rin akong linalapitan ng mga konyo{dahil nga pogi ako}, kahit na nasira ang aking laptop, kahit na...[huy, tsong, tama na...]...sinabihan akong sira ulo, at kahit na palaging sumasakit ang ulo ko, {O, ayan, tapos na ako!} masaya pa rin. Sana'y hindi kayo nakornihan sa padrama ko. Sana'y hindi kayo nainis sa mga korni kong biro. Sana'y hindi rin kayo nainis noong linoko namin ang mga idolo niyo. [Ayan ka nanaman e...may nakatulog na doon o!] Nais ko lang na ipakita sa mundo na mayroon pa ring dapat pagngitian ang bawat tao, kahit na patuloy na na lumulubog ang Pilipinas. {Naks naman, senti!!!}
Ang pupuntahan ko...
Pupunta ako sa isang lugar...isang mas magandang lugar kaysa dito...kung saan andoon ang aking ama. Paakyat na ako, aking mga kaibigan!!! Paakyat na ako at susubukang patunayan sa aking sarili na kaya ko ang mga kalbaryong dadaanan ko upang makamit ang kapayapaan ng aking kaluluwa. Kahit na alam ko na ang isang tulad ko {na demonyo} ay tinakdang bumaba sa kung saan maapoy at mainit, nais ko pa ring subukan. Hindi naman talagang masama sa ibaba; dahil mayroon pa rin kaming pagkakataon na bisitahin ang mga yumaong kamag-anak na napagpalaang maisama doon sa mga nasa itaas. Ibig sabihin, maaari ko paring bisitahin ang aking ama kapag pinayagan ako!!! {Awwww...
} Pero bago iyon...kailangan ko munang mailagay sa isang kahon na malambot ang loob. Didilim rin iyon, pagatapos ng iyakan ng mga tao sa aking pag-alis. Ang ayaw ko lang doon ay mahirap huminga. At hindi pa lahat ay magandang tignan doon. Pero kahit na ganoon iyon, kailangan ko na talagang pumunta e...
Ano ang mangyayari sa Bonaks?
Hindi na ito araw-araw na maa-update dahil nga aalis na ako. Sana nga lang at matuloy ito ng aking pakner. {Huwag kang magalala
} Ngunit, sasabihin ko na talaga sa inyo...wala akong tiwala sa kanya. {Ang sama!
} [
] Pero gayonpaman, wala akong magagawa. Babalik rin ako...ngunit matagal pa bago mangyari iyon. Sana'y magawa niya ang kailangan niyang gawin.
{Paalam, pare...call me...
} [Hoy!!! Babalik pa ako!!! Hindi ko ipapamana sayo 'to no!!!
] {hehehe...}
Ngayon, ako'y tunay nang mamamaalam
. Paalam sa inyong lahat!!! Ako'y babalik na sa aking pinanggalingan!!! Welcome me back, CITY OF FLAMES!!!!! WAHOOOOOOOO!!!!!!
P. S. I shall return{hahaha...patawarin mo na ako...tinatamad lang kasi akong ipost 'to kahapon e...sorry na...}.
Kasalukuyang nararamdaman: Pagkasenti
.
Sa linggong ito, nakita niyo naman na puro nalang sakit ng lalamunan o hilo at kung anu-ano pa ang nasa "Kasalukuyang nararamdaman" ko. Oo, tama kayo, mayroon nga akong sakit. Malamang hindi halata pero ito ang dahilan ng aking biglaang pamamaalam.
Sandali! Hindi pa ako tapos!!!
Ehm...gusto ko lang sabihin na sa kakaunting oras na nagkaroon tayo ng ugnayan bilang mga manunulat at mambabasa, nais ko lang sabihin na kami'y lubusang nasiyahan. Kahit na walang nangongomento, kahit na mayroong mga nangongomento na wala namang kinalaman sa sinulat namin, kahit na nangongomento lang dahil nais mag-advertise ng kanilang blog o kumpanya, kahit na inabuso ng iba ang aming cbox, kahit na sinabihan kaming vogue imbes na vague, kahit na hindi napasaakin ang tutang aking inaasam-asam, kahit na patuloy pang namumugto ang aking mga mata sa pagpipilit ko ng lintik na contact lens na yan, kahit na maraming nanggulo sa akin sa YM dahil mali-mali ang mga pinagsusulat kong mga profiles niyo, kahit na patuloy pa rin akong linalapitan ng mga konyo{dahil nga pogi ako}, kahit na nasira ang aking laptop, kahit na...[huy, tsong, tama na...]...sinabihan akong sira ulo, at kahit na palaging sumasakit ang ulo ko, {O, ayan, tapos na ako!} masaya pa rin. Sana'y hindi kayo nakornihan sa padrama ko. Sana'y hindi kayo nainis sa mga korni kong biro. Sana'y hindi rin kayo nainis noong linoko namin ang mga idolo niyo. [Ayan ka nanaman e...may nakatulog na doon o!] Nais ko lang na ipakita sa mundo na mayroon pa ring dapat pagngitian ang bawat tao, kahit na patuloy na na lumulubog ang Pilipinas. {Naks naman, senti!!!}
Ang pupuntahan ko...
Pupunta ako sa isang lugar...isang mas magandang lugar kaysa dito...kung saan andoon ang aking ama. Paakyat na ako, aking mga kaibigan!!! Paakyat na ako at susubukang patunayan sa aking sarili na kaya ko ang mga kalbaryong dadaanan ko upang makamit ang kapayapaan ng aking kaluluwa. Kahit na alam ko na ang isang tulad ko {na demonyo} ay tinakdang bumaba sa kung saan maapoy at mainit, nais ko pa ring subukan. Hindi naman talagang masama sa ibaba; dahil mayroon pa rin kaming pagkakataon na bisitahin ang mga yumaong kamag-anak na napagpalaang maisama doon sa mga nasa itaas. Ibig sabihin, maaari ko paring bisitahin ang aking ama kapag pinayagan ako!!! {Awwww...
Ano ang mangyayari sa Bonaks?
Hindi na ito araw-araw na maa-update dahil nga aalis na ako. Sana nga lang at matuloy ito ng aking pakner. {Huwag kang magalala
{Paalam, pare...call me...
Ngayon, ako'y tunay nang mamamaalam
P. S. I shall return{hahaha...patawarin mo na ako...tinatamad lang kasi akong ipost 'to kahapon e...sorry na...}.
Kasalukuyang nararamdaman: Pagkasenti

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home