PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Wednesday, October 12, 2005

Commercial 1.1.

Oo, aking mga mambabasa, maglalantad nanaman ako ng isang daan papuntang kasikatan. At, oo, nanggaling nga ito sa isang patalastas ng telebisyon. Sa dinami-dami ng taong nanaliksik ang buong mundo tungo sa kasikatan, nailagay na sa isang patalastas ang mapait na katotohanan ng buhay...na malupit nga ang industriya at iisa lang ang tinitignan nila sayo.

Pero bago ako magpatuloy, ililista ko muna ang mga aspeto noon ng tao na inakala nating hinahanap ng mga nasa industriya:
  1. Ang kagalingan sa pag-arte. [Oo, isang kabalintunaan ito ng buhay...]
  2. Ang kagalingan sa pagkanta.
  3. Ang kagalingan sa pagsayaw.
  4. Ang kulay ng balat.
  5. Ang pagkaseksi.
  6. Ang kagandahan ng panlabas na anyo.
  7. Ang kakulangan ng peklat o marka sa katawan.
  8. Ang personalidad at katangian ng tao.
  9. Ang utak.
Ngayon, malamang nagtataka na kayo ngayon kung ano nga ang mayroon dapat sa inyo kapag gusto ninyong maging artista sa susunod na telenobelang ipinangalang Wo ai ni kung saan kukuha sila ng makisig na tsino bilang leading man upang maipagmamalaki natin na mayroon tayong artistang foreinger ay, foreigner pala...

Simple lang...

Magandang Buhok


Oo, sabi nga ng isang sikat na artista...kung nawala iyon sayo, itatakwil ka ng industriya.


P. S. Hango talaga itong konklusiyon na ito sa isang patalastas. At totoo ngang sinabi ito ng isang artista.



Kasalukuyang nararamdaman: Sakit sa lalamunan **.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home