PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Saturday, October 15, 2005

Enchanted Kingdom [Expedition 1.1].

Ito na malamang ang pinaka late kong post, ngunit, wala akong paki alam. [hahaha, paumanhin, medyo nahihilo kasi ako ngayon e] Ngayon ay nagpunta ako sa Enchanted Kingdom. Masaya sanang ilahad ang bawat detalye ngunit wala akong ganang magpatulog ng mga bumabalak na magbasa ng aking blog.

Iba na ang Enchanted Kingdom kung ikukumpara ko noong huli akong bumisita[mga ilang taon na ‘yun] Mga tao, mga posisyon ng basurahan, mga tambay, mga ibinebenta at kung anu-ano pa. Mayroon nang mga rides na naisara dahilan daw sa mga aksidente. Marami ring mga rides na nanatili ng mahabang panahon. Kahit presyo ay malaki na rin ang pinagkaiba. Biruin mo, limang daang piso na ang entrance fee?!? Tapos, ngayon, ang gimmick pa nila ay libreng tiket na malapit na ang expiry date! Hindi na kagulat-gulat kung sinabi kong naubusan kami ng datung noon.

Ang buod ng aming pagbibisita sa kahariang iyon:

· Pumila kami sa ilalim ng nakakapasong init ng araw.

· Pumunta kami ng Rialto kung saan anim kaming hindi nakontento ngunit ang isa ay sigaw ng sigaw habang apat kaming magkakatabi ay naka de-kwatro na walang reaksyon.

· Pumila kami sa ilalim ng nakakapasong init ng araw ng isang oras at umalis rin bago kami makapasok dahil maraming mga singit na bata. {Ang sama naman…Naku, mga bata ha...huwag niyo silang gagayahin!} [Ang haba kasi ng pila sa Rio Grande e.]

· Pumila kami sa ilalim ng isang bubong[hay salamat]

· Sumakay kami sa Space Shuttle kung saan sigaw ng sigaw an gaming kasamahan bago pa man magumpisa ang ride habang ako at ang isa pang kasamahan[ang nagiisang lalake na si Lunc 10] ay walang reaksyon sa buong ride. [Bitin kasi e…kulang ng force ba]

· Pumila sa ilalim ng bubong. [Salamat, Lord!] Itinungga ang bote ng Gatorade.

· Sumakay kaming apat sa Anchor’s Away kung saan hikab lang ako ng hikab [tulad noong lalakeng kasamahan namin] at sigaw ng sigaw ang ibang pasahero. [I swear that ride is a rip off...]

· Pinalipas ang Ferris Wheel na ride dahil nasusuka sa itinunggang Gatorade.

· Naglibot-libot muna habang nanginginig ang mga tuhod. [@#$%^&* Gatorade yan...]

· Inalukang mag Log Jump ngunit dahil ayaw mabasa at nasusuka pa rin ng konti, ay tumanggi. Naglibot-libot at pinatawa ni Lunc 10 at Lunc 4.

· Nagusap habang hinihintay ang mga kasamahan at natutunang marami palang kapareho kay Lunc 10. [@#$%^&*!!!! NOOOOOOOOOO!!!!My world is coming to an end!!!]

· Tumungong Rio Grande upang mabasa. Naghintay sa sobrang habang linya kung saan may batang umiiyak na nakaka-awa.

· Nabasa lamang sa waterfalls at muntikang nalaglag sa bangka ngunit hindi pa rin sumigaw o nagbigay ng reaksyon.

· Sumakay ng Carousel at tsaka lang nagbigay ng reaksyon. [Bakit hindi gumagalaw ‘tong sinasakyan kong kabayo?!?!?! HAAAAAAGGGGGGGGIIIIIII!!!!!]

· Naghintay sa 4D para sa tatlong kasamahan at muntik napaputukan ng mga paputok. Mura ng mura ang tatlong kasama. Ako? Muntik lang.

· Ikukuwento ko ang huli sa inyo gamit ang wikang konyo:

OMG! There was like, you know, like this fat guy making tambay infront of the something…basta! I can’t make alala na! Neway, he was like, you know, like, checking out Lunc 10 and we were all like, you know, like Oh craaaapppp!!! And then Lunc 10 made isip that he was like you know, bading, that was why he was checking him out noh! And I was like no way! He was a lalake talaga noh! I made isip that the dude made tingin of him that way kaseh he was kinda selos of him with Lunc 9. I mean like, omigod! We were so like takot that he would make sugod of Lunc 10 coz of the way he made tingin of him noh! Lunc 9 is really pretty kaseh eh. Buti nalang we made alis na immediately kaseh we were all like so takot! Grabeh ha…people are so jologs these days, I swear!LOSER!!!

Natulala ba

Alam ko, aking mga kaibigan. Ako man ay nagulat at nasikmura ko ang ganyang klase ng pananalita. Hindi na bale. Isa na itong tagumpay. Ikukwento ko nalang ang detalye n gaming paglalakbay kung mayroon pa akong ibang pagkakataon. Sa ngayon, nahihilo parin ako dahil sa @#$%^&* Gatorade na ‘yan at late na. Hanggang sa muli!

Ang natutunan ko: HUWAG UMINOM NG GATORADEHAAAAAGGGGGGGGGGIIIIIIII!!!!!!!!

P. S. Wala akong reaksyon sa kahit anong rides maliban nalang sa Carousel. Ang masaklap pa dito ay pareho kami ni Lunc 10. @#$%^&*!!!!!! Now my world is REALLY coming to an end!!!!!



Kasalukuyang nararamdaman:
Hilo[@#$%^&* Gatorade] .

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hey jen! oh my gosh, by gosh. conyo ka na talaga. bakit di mo nilagay na narinig na namin ang iyong "true laugh"... nice one siobe. good thing din, you found your id.

2:05 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home