Halloween.
Bago kayo mambulabog ng mga bahay-bahay sa paghihingi ninyo ng mga candy habang kayo’y nakasuot ng hindi naman talagang nakakatakot na mga costume at bago kayong magumpisang mag-sunog ng pera[ang mga Tsinoy diyaan], nais ko lang kayong batiin ng Happy Halloween!!! Sa totoo lang, hindi dapat ginagamit ng mga Pinoy ang pangalang ito dahil sabi nga nila, eksklusibong para sa mga bansang nasa Amerika(hilaga at timog) at Yuropa. Ngunit dahil nga na sinakop tayo ng mga dayuhang ito, inangkin na rin natin ang ilan sa kanilang mga pista. Pero hindi tungkol dito ang nais kong ipahatid sa inyo ngayon.
Medyo may katagalan nga akong nawala at mga ngayon ngayon lang akong nakapag-internet muli[dahilan ito sa pangako ko sa aking sarili]. At sa aking pagkawala, para bang na-comatose ang Bonaks™ [pinagiisipan ko pa kung tatanggalin ko na sa pwesto ang aking partner]. Paumanhin po pero hindi ko magagawang magsulat araw-araw dahil “rinirehab” nga daw ako. {hahaha yan! Hack kasi ng hack!
} [
] Gayunpaman, magbabalik din ako siguro makalipas ng tatlo pang linggo. Paumanhin uli.
Fact: A lot of people are still under the notion that Frankenstein was the name of the fictional monster created by a mad doctor. Actually, Frankenstein was the name of the person who created the monster in Mary Shelley’s novel published in 1818. And he wasn’t a doctor or even a medical student. The novel tells us he was simply a 17-year-old student obsessed with natural history and mathematics. The monster has no name.
P. S. O ano? Nagulat kayo no? Sabi ko na nga ba e. Oo nga pala, para sa kaalaman ninyo, ito na yung babaeng awtor ng Bonaks™. Sige, sana’y masiyahan kayo sa natira sa inyong bakasyon.
Kasalukuyang nararamdaman: Hindi tiyak
.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home