PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Wednesday, October 04, 2006

Banity 1.0.

Nagtataka ako ngayon, sa kaunaunahang pagkakataon ng aking walang saysay na buhay, kung bakit hindi ako masyadong updated sa fashion at mga uso. Ano ba ang pagkukulang ng nanay ko? Bakit ang kwarto ko parang kwarto ng isang Spartan na sundalo [na pink]?

Pinagbibintangan ko ang vanity ko. Tingin ko ang vanity percentage ko ay 2.0000058932% lang. Hindi ko alam kung bakit. Hindi nga daw normal itong porsyentong ito e, pero ano kaya kung 89.973174% ang vanity rating ko?

Positibong epekto:
1. May pagkakataon pa kahit papaano na maging maganda ako.
2. Hindi ako magmumukhang tanga sa gym dahil alam ko na lahat ng mga pangalan ng equipment.
3. Hindi na ako magrereklamo tungkol sa timbang ko ngayon.
4. Hindi na ako manunood ng anime o tutunganga sa dingding dahil masyado akong abalang nakatitig sa mukha ko.
5. Wala akong pimples.
6. Hindi ko papayagang masugatan ako at hindi ko susugatan ang sarili ko.
7. Hindi na ako nagdedekwatro boy-style.
8. Hindi na matatakot sa akin ang mga tao.
9. Hindi ako mukhang sabog.
10. Maayos na ako.
11. Marunong akong mag-shopping at magparty.
12. Lagi kong susuotin ang retainers ko.
13. Wala nang magplaplanong sumakop ng buong kalawakan.

Negatibong epekto:
1. Magiging konyo ako.
2. Magsusuot din ako ng mga mini skirt, tube, ballerina shoes, make-up, atbp.
3. Hindi na ako magrereklamo tungkol sa timbang ko ngayon.
4. May boyfriend na ako ngayon. Malamang naka lima o anim na.
5. Marami akong mababasag na salamin[mirror].
6. Matagal ako sa CR.
7. Hindi na ako marunong gumamit ng Ingles o Filipino ng tama.
8. Inis na inis na sa akin ang mga taong nasa paligid.
9. Plastik na ako.
10. Wala na akong pakialam sa mga tao at hayop na naghihirap.
11. Over-used ang aking camera.
12. Lagi akong late sa lahat ng lakad at mabagal akong maglakad.
13. Magiging human form ako ng pride.

Neutral na epekto:
1. May posibilidad na maging binalake ako dahil gwapo daw ako kapag lalake ako.



P. S. Dapat naging siberian haskis nalang ako. Hahahaha

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home