PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Thursday, November 24, 2005

Paalam na...?

Ladies and Gentlemen, ikanalulungkot kong sabihin sa inyo na ako'y sadyang pagod na pagod na sa wikang ito. Napakaraming batas na susundan at napakaraming salitang dapat isaulo. Malapit nang mabasag ang aking ulo sa kakapilit kong intindihin ang mga salitang mistulang banyagan lenggwahe sa akin. Mga peeps, alam niyo bang dumurugo ang aking ilong sa tuwing ako'y nagsusulat gamit ang wikang ito? [kumuha ng bulak upang punasan ang dugong tumutulo galing sa ilong.]

Alam kong mas nakakatuwang basahin kapag Filipino ang ginagamit ko, ngunit utang na loob, pagmasdan niyo ako habang ako'y naduduling sa pagbabasa ng sarili kong mga akda. Nagiging sakit ng ulo na sa akin ang Filipino, maniwala man kayo o hindi. Bomalabs[malabo] talaga to, mga peeps, ayaw ko nang magpatuloy pa. Naghihirap akong sobra. Nais ko nang magpahinga.

Aba, sunod-sunod na tugma iyon ha...pa, sobra, magpahinga...naku po...sobra na ang pagtutula ko sa araw na ito.

Hilong-hilo na ako sa sobrang kong paggamit ng lenggwaheng ito na hindi ko naman magagamit sa aking magiging trabaho. Pagod na talaga ako, mga peeps. LADIES AND GENTLEMEN, PAGOD NA AKO! Hay, buhay...mga dudes, hindi talaga ako isang purong pinoy. Oo, paumanhin kung kayo'y aking nailinlang. Hoy, ikaw, pakitanggal nga ang iyong cap, hijo, magbigay pugay ka naman sa akin habang ako'y nagtatalumpati. Nakita niyo na? Nagdurusa na nga ako pero nakakayanan niyo parin akong bastusin.

Sige, paalam na! O anong klaseng pamamaalam iyan? Binati ko kayo ng maayos tapos ang pagbati niyo sa akin ay parang mga zombie kayo. Ulitin. Ayan. Mabuti naman at marunong kayong bumati. Sige, paalam.


P. S. Biro lang. Naniwala naman kayo. Oo nga pala, ginamit ko ang pananalita ng aking bagong guro sa isang subject. Hindi na importante kung anong subject iyon...[baka kasi binabasa niya e] Natripan ko lang gamitin ang paraan ng kanyang pananalita dahilan nga na matanda na siya ngunit kung magsalita e...alam mo na...biro lang. Magaling siyang guro. Oo nga pala, nakagawa ako ng tula na mayroong limampung linya na tama ang sukat at tugma; yun nga lang e patapon ang kontento. E hayaan mo na. Iyon ang pinakaunang tulang Filipino na aking naisulat. Espesyal yun mga peeps!!! PALAKPAKAN NIYO AKO!!! [patawarin niyo nalang ang lenggwahe.]


Kasalukuyang nararamdaman:
Gutom Gutom na ako!!!!.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home