PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Wednesday, March 08, 2006

Under the Saya.

Kasama ko ang aking pinsan sa pamimili ng regalo para sa kanyang nobya noong Valentine's day.

Ako: Ano bang gusto mo para sa kanya? Blouse, skirt o pantalon?
Kosme: Hindi ko alam. Ikaw na lang pumili...basta hindi dapat yung tulad ng binibili mo para sayo.
Ako: So gusto mo mahal na girly?
Kosme: Basta.
Ako: [kumuha ng mini skirt] Ito? Uso to ngayon.
Kosme: Ayaw ko yan, masisilipan siya.
Ako: [kumuha ng palda na lampas tuhod.] Eh ito?
Kosme: Hindi pa rin. Masisilipan pa rin siya.
Ako: Sobra ka naman. [kumuha ng palda na abot paa] Ito nalang.
Kosme: Hindi nga, sabi e. Gusto mo bang masilipan ang gf ko?
Ako: Ang arte mo. Mahaba na 'to 'no. Hindi na siya masisilipan.
Kosme: Masisilipan yan. Alam mo ba na kahit na sumasayad na sa sahig e masisilipan pa rin? Ganoon kagagaling ang mga lalake.
Ako: Paano mo alam?
Kosme: ...
Ako: Oi, paano mo alam?
Kosme: Wag mo nang alamin, basta pumili ka lang jan.
Ako: ...


P. S. Mabuti na nga pala at hindi ako nagpapalda.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home