Bola.
Isang ordinaryong araw sa iskul {tinatamad na akong i-type ang "eskwelahan" e}, papunta dapat ako sa gusali kung saan magaganap ang susunod kong klase. Dahil cool ako, naisipan kong lakarin ang daanan papunta doon na nangangailangang daanan ang mga basketball courts. Dahil nga cool ako, sumakto na mga babaeng nakasuot ng maiikling shorts ang naglalaro. Binagalan ko ang lakad ko upang pagmasdan sila. Sakto rin, dahil cool ako, magdadunk sana yung isa sa kanila ngunit tumama ito sa ring. Tumalbog ang bola at nakita ko ang orange na bilog na thing na madaling humarurot{tama ba?} papunta sa akin.
Mayroon akong tatlong pagpipilian noon:
a.) Iwasan ang bola at magpatuloy papuntang klase upang manatili ang aking coolness.
b.) Manatiling nakatayo sa pwesto upang hintayin na sumalpak ang bola sa aking mukha pagatapos ay tumakbo paikot sa court na humihiyaw dahil sa sakit ng impact.
c.) Saluhin ang bola tapos ibalik ito sa kanila upang tumaas pa ang aking coolness.
Pinili ko ang pinaka sensible, siyempre.
P. S. Masakit pala ang bola lalo na kapag tumama ito diretso sa ilong mo.

2 Comments:
hahahaha! the price you have to pay dahil cool ka!
Tama lang yan sayo! Manyak! Hahahahahah
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home