R. I. P. 1.0.
Maligayang bati. Siguro nagtataka kayo kung saan ako nagpupupunta.
Ay, hindi ba? Hayaan niyo na...andito na rin ako kaya ipagpapatuloy ko na ang aking walang kwentang paliwanag.
Paano maguumpisa? Una, matagal akong nawala dahil nagbakasyon ako, tulad ng saib sa aking naunang post. Tinanggal ko rin ang internet sa kwarto ko dahil ito daw ang sanhi ng kakulangan ko sa tulog. [Ano ba yun? Radiation? O baka naman naging Internet freak ako magmula nang magkolehiyo ako?] Basta ganoon. Ngayon, pinagsisisihan ko na dahil ang laki ng hirap kong i-check ang mail ko at inisin si Bonaks 2. Kasalanan ko na rin ito. Siguro sa Hunyo nalang ulit ako magpapakabit.
Pangalawa, masyado akong abala sa paggagawa ng mga plano upang sakupin ang buong kalawakan. Tama, hindi lang mundo, buong kalawakan. Hindi ako ismol taym, 'no. Hindi ko masasabing tapos na ako sa aking mga binabalak ngunit malapit na rin. Konting oras na lang ang kailangan ko.
Pangatlo, hindi ako masyadong makatitig sa dingding tulad ng dati dahil pinipilit akong mag-aral ng aking mga guro. Hindi kasi sila tulad ng iba na walang paki-alam sa estudyante. Oo nga e, minalas ako sa pagkuha ng titser.
Pang-apat, namatay ang kuting na napulot namin noong nakaraang buwan. [Parang zoo na ano? Una gagamba, ngayon pusa.] Namatay lang siya kagabi at takot na takot ang mga kasambahay kong pumunta sa kusina dahil doon namatay ang nasabing pusa. Kaya ngayon, kawawa akong laging sumasama sa kanila upang maka-tooth brush sila. Haybuhay kamatayan. Ang daming taong takot sa kamatayan gayong hindi naman ito maiiwasan.
Panlima, tinititigan na ng katabi ko ang aking monitor. Yun lang. Ngayon naman tumingin siay ulit sa kanyang ginagawa. Hahahaha.[Ibig sabihin nito may nakakakilala na kay Bonaks 1.
'Yun lang. Siguro ilalahad ko sa inyo ang mga masasamang nangyari sa akin sa tag-init na ito kapag nakapagpakabit na akong muli.
P. S. Narining ko yung pusa na nag-meow kaninang umaga. Patay nga ba talaga ito o ano?
Ay, hindi ba? Hayaan niyo na...andito na rin ako kaya ipagpapatuloy ko na ang aking walang kwentang paliwanag.
Paano maguumpisa? Una, matagal akong nawala dahil nagbakasyon ako, tulad ng saib sa aking naunang post. Tinanggal ko rin ang internet sa kwarto ko dahil ito daw ang sanhi ng kakulangan ko sa tulog. [Ano ba yun? Radiation? O baka naman naging Internet freak ako magmula nang magkolehiyo ako?] Basta ganoon. Ngayon, pinagsisisihan ko na dahil ang laki ng hirap kong i-check ang mail ko at inisin si Bonaks 2. Kasalanan ko na rin ito. Siguro sa Hunyo nalang ulit ako magpapakabit.
Pangalawa, masyado akong abala sa paggagawa ng mga plano upang sakupin ang buong kalawakan. Tama, hindi lang mundo, buong kalawakan. Hindi ako ismol taym, 'no. Hindi ko masasabing tapos na ako sa aking mga binabalak ngunit malapit na rin. Konting oras na lang ang kailangan ko.
Pangatlo, hindi ako masyadong makatitig sa dingding tulad ng dati dahil pinipilit akong mag-aral ng aking mga guro. Hindi kasi sila tulad ng iba na walang paki-alam sa estudyante. Oo nga e, minalas ako sa pagkuha ng titser.
Pang-apat, namatay ang kuting na napulot namin noong nakaraang buwan. [Parang zoo na ano? Una gagamba, ngayon pusa.] Namatay lang siya kagabi at takot na takot ang mga kasambahay kong pumunta sa kusina dahil doon namatay ang nasabing pusa. Kaya ngayon, kawawa akong laging sumasama sa kanila upang maka-tooth brush sila. Hay
Panlima, tinititigan na ng katabi ko ang aking monitor. Yun lang. Ngayon naman tumingin siay ulit sa kanyang ginagawa. Hahahaha.[Ibig sabihin nito may nakakakilala na kay Bonaks 1.
'Yun lang. Siguro ilalahad ko sa inyo ang mga masasamang nangyari sa akin sa tag-init na ito kapag nakapagpakabit na akong muli.
Bonaks 1
P. S. Narining ko yung pusa na nag-meow kaninang umaga. Patay nga ba talaga ito o ano?

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home